Connect with us

Tech

Huawei Naglunsad ng kakaibang Tri-fold Smartphone, Mate XT Ultimate Design

Published

on

Huawei-Mate-XT-Official-Poster

Kamakailan lang inilunsad ng Huawei ang Mate XT Ultimate Design, ang kauna-unahang tri-fold smartphone sa mundo, na nagmarka ng malaking hakbang sa teknolohiya ng mga natutuping telepono.

Inihayag ito noong Setyembre 10, 2024. Ang makabagong device na ito ay may display na 10.2 pulgada kapag tuluyang nabuksan, at maaaring tupiin sa dual at single screen modes na may sukat na 7.9 pulgada at 6.4 pulgada, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Natatangi ang tri-fold na disenyo ng Mate XT Ultimate Design, na nagpapahintulot sa telepono na mag-transform mula sa tradisyunal na smartphone papunta sa isang full-sized tablet, kaya’t nag-aalok ito ng sari-saring gamit. Nilagyan ito ng flexible LTPO OLED screen at mataas na refresh rate upang masiguro ang makinis na visuals (high refresh rate ensures smooth and fluid visuals). Ayon sa Huawei, ito’y importante sa mga naghahanap ng seamless experience.

Sa usaping camera, hindi rin nagpapahuli ang Mate XT Ultimate Design. Mayroon itong malakas na sistema ng camera: isang 50-megapixel main camera, 12-megapixel ultrawide camera, at isang 12-megapixel periscope telephoto camera. Nagtatampok ito ng 5,600mAh na baterya na may kakayahang mag-fast charge gamit ang wired at wireless charging methods.

Available sa red at black leather finishes, na nag-uumpisa ang presyo nito sa halagang $2,800 USD para sa base model na may 16GB RAM at 256GB storage.

Ito ay nagkaroon ng maraming interes bago pa man ilabas dahil sa mahigit apat na milyong mga pre-order. Inaasahang ilalabas ito sa merkado ng Tsina sa Setyembre 20, 2024.