Connect with us

International News

Pag-uusap ng Pilipinas at Tsina Wala pa ring naging Solusyon

Published

on

Pag-uusap ng Pilipinas at Tsina Wala pa ring naging Solusyon

Nabigo ang pinakahuling pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Tsina na makahanap ng solusyon para sa patuloy na sigalot hinggil sa Escoda Shoal sa South China Sea.

Ayon sa mga opisyal, nagkaroon ng ‘frank at candid’ na palitan ng pananaw sa pagitan nina Philippine Foreign Affairs Undersecretary Theresa Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong, ngunit nanatili ang kani-kanilang posisyon sa pinagtatalunang lugar.

Ginawa ang usapan noong Setyembre 11 sa Beijing bilang bahagi ng Bilateral Consultations Mechanism (BCM), isang serye ng talakayan na naglalayong tugunan ang hidwaan sa teritoryo sa rehiyon.

Sa naturang pulong, mariing iginiit ng Pilipinas ang ating paninindigan na ang Escoda Shoal, na kilala rin bilang Sabina Shoal, ay sakop ng ating 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) at binigyang-diin ang pangangailangang mabawasan ang tensiyon sa lugar.

Sinabi ni Chen Xiaodong na inuulit ng Tsina ang kanilang pag-angkin sa shoal, na tinatawag nilang Xianbin Reef, at humihiling na alisin ang barkong BRP Teresa Magbanua ng Pilipinas, na nananatili doon mula pa noong Abril.

Sa panig naman ng Tsina, ang presensya ng naturang barko ay nakikitang paglabag sa kanilang soberanya. Bagaman walang naganap na resolusyon, parehong sumang-ayon ang dalawang bansa na ipagpatuloy ang diskusyon ukol sa mga potensyal na larangan ng kooperasyon tulad ng hotline mechanisms, partnerships sa coast guard, at mga initiatibo sa marine scientific at technological.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na maiwasan ang konprontasyon at pamahalaan ang tensiyon sa South China Sea, isang mahalagang ruta ng kalakalan kung saan dumadaan ang $3 trilyong halaga ng komersyo taon-taon.

Nagfile na ang Pilipinas ng maraming diplomatic protests laban sa mga aksyon ng Tsina, na pumukaw din ng internasyonal na pagkabahala at pagkondena mula sa mga bansa tulad ng United States, Japan, at Australia.

Sa muling pakikipag-usap sa Beijing, nananatiling maselan ang sitwasyon kung saan may posibilidad nang karagdagang eskalasyon sakaling hindi magtagumpay ang diplomatikong pagsisikap na mapababa ang tensiyon.