Connect with us

Aklan News

Miyembro ng Nabas Auxiliary Police sinaksak ng tricycle driver

Published

on

Sinaksak ng isang lasing na tricycle driver ang isang miyembro ng Nabas Municipal Auxiliary Police (NMAP) kagabi sa Brgy. Union, Nabas.

Kinilala ang biktimang si Paul Christian Casimero habang ang suspek naman ay si William Dela Vega, 46-anyos, tubong Batangas City ngunit kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Nabas PNP, parehong nakainom ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Sinasabing, nakikipag-inuman umano sa lugar malapit sa paradahan ng tricycle ang biktimang si Casimero nang biglang dumating ang tricycle driver.

Dito na agad nilapitan ng suspek ang biktima sabay suntok sa likod at saksak gamit ang kutsilyo.

Nakailag naman ang biktima pero nadaplisan ito sa may tagiliran kaya ito dinala sa ospital at agad namang nakalabas.

Samantala, nahuli naman ang suspek sa kanilang bahay at sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Nabas Pnp para sa karampatang disposisyon.

via Rhealyn Ortega

Continue Reading