Aklan News
Aklan may sapat na food packs para sa mga pamilyang apektado ng bagyo at habagat
May sapat na food packs ang PSWDO Aklan na ipapamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ferdie at Gener sa lalawigan.
Ito ang pahayag ni Mr. Bobby Clyde Orbista, Social Welfare Officer II ng PSWDO Aklan sa panayam ng Radyo Todo.
Aniya, “ro aton nga PSWDO hay may on-stanby nga stockpile in case nga may mga paaeabuton kita nga parehas kara nga disaster.”
“Ro aton abi nga process karon pag-abot sa disaster hay as much as posible, ro aton nga municipal level anay hay ma-augment it andang resources sa barangay level. Kung maubos eon… owa eon it resoucrses ro aton MSWDO, that’s the time nga makapangayo eon sanda it augmentation sa aton nga provincial leve,”dagdag nito.
Ayon pa kay Orbista, as of 4:00 pm nitong Setyembre 16, 2024, limang bayan pa lamang ang nakapagsumite ng kanilang partial report.
Ito ay kinabibilangan ng bayan ng Buruanga na may 12 affected barangays na may 3, 226 affected families; Ibajay na may 9 apektadong barangay at 236 affected families; Madalag (25 barangays/15 families); New Washington (2 barangays/ 4 families) at bayan ng Tangalan (15 barangays/165 families).
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang monitoring ng PSWDO Aklan sa iba pang bayan sa lalawigan para kabuuang assessment ng bagyo at habagat.