Connect with us

Aklan News

Tricycle driver, sinita ng lalaking lasing dahil puno ng sakay na pasahero

Published

on

Nagpasyang magparecord sa Kalibo PNP ang isang tricycle driver matapos sitahin ng isang lasing dahil sa kanyang mga sakay na pasahero.

Sa panayam ng Radyo Todo sa traysikel drayber na si Noel Arevalo, nagulat nalang siya nang biglang lumapit sa kanya ang lasing na si Jessie Autencio habang nagpapasakay siya ng pasahero sa may Osmeña Avenue, Estancia kaninang umaga.

Aniya bigla nalang sinabi ni Autencio na “Indi ka gid ka biyahe, haman it puno-puno rai ng tricycle, pag-share man it pasahero.”

Dahil dito, nagkasagutan silang dalawa kaya minabuti nalang nito na iparecord ang nangyari.

Dispensa naman ni Autencio, sinita niya lang si Arevalo dahil hindi nito binigyan ng pasahero ang isa pang traysikel.

Minabuti nalang ng Kalibo PNP na i-refer sa Barangay Justice System ng Estancia ang insidente.

Continue Reading