Connect with us

Aklan News

4 na construction worker na nahuli sa pagnanakaw, kinasuhan na

Published

on

Iniharap na sa korte ang apat na construction worker na naaresto matapos na mahuli sa aktong nagnanakaw ng steel bar sa Brgy. Bulwang, Numancia.

Napag-alaman na dalawa sa kanila ay taga Bulwang na edad 52 at 53-anyos, isa ay taga Pusiw na edad 47 habang 38-anyos na taga Puis naman ang isa.

Matatandaang, natangay ng mga ito ang 14 na piraso ng 12mm steel bar.

Habang naabutan naman ang mga ito na kukuha pa sana ng dagdag na limang piraso dahil lingid sa kanilang kaalaman ay namomonitor na pala sila sa CCTV ng may-ari.

Samantala, agad nahuli ang mga suspek at kasong Theft naman ang ipinataw sa kanila.

Continue Reading