Connect with us

Aklan News

Lalaking wanted sa kasong pambabastos, arestado ng Kalibo PNP

Published

on

Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ngayong hapon ng Miyerkules ang isang lalaking wanted sa bayan ng Kalibo dahil sa kasong pambabastos.

Napag-alaman na 59-anyos ang suspek at residente ng Brgy. Old Buswang, Kalibo.

Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Region, Kalibo Aklan nitong September 12 ,2024 sa kasong Acts Of Lasciviousness in relation to Section 5.

Nasa P10,000 ang piyansa na inirekomenda ng korte para sa pansamantala nitong kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya parin ng Kalibo Municipal Police Station ang suspek.