Connect with us

Aklan News

Tricycle, bumaliktad matapos mabundol ng kasunod na motor; Parehong driver, na ospital

Published

on

Confined sa ospital ang parehong driver matapos na mabundol ng motorsiklo ang kasunod nitong tricycle sa kahabaan ng Laguinbanwa East, Numancia dakong alas-5:25 ng hapon nitong Miyerkules.

Napag-alaman na 40-anyos ang tricycle driver na residente rin ng nasabing lugar habang 34-anyos naman ang motorista na residente naman ng Caticlan.

Sa panayam kay PSMS Navarra ng Numancia PNP, magkasunod umano ang mga ito na mula sa bayan ng Kalibo at papuntang direksyon ng Pob. Numancia.

Nang makarating sa lugar ay akma sanang mag-overtake ng motorista sa tricycle ngunit may kasalubong umano kaya’t nawalan ito ng kontrol at dumeretso ng salpok sa likurang bahagi ng tricycle.

Sa lakas ng impact, bumaliktad pa ang tricycle sa kalsada dahilan para mahulog ang driver nito.

Tumilapon naman ang naturang motorista dahil sa aksidente.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga ito na agad ding dinala ng MDRRMO Numancia sa ospital.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagkalap ng CCTV sa lugar ng Numancia Pnp kaugnay sa nangyaring aksidente.