Connect with us

National News

Rep. Garin, isinusulong ang paggamit sa raided POGO hubs bilang dormitoryo para sa mga estudyante

Published

on

Ipinanukala ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st district Rep. Janette Garin ang paggamit ng mga raided Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) bilang dormitoryo para sa mga karapat-dapat na estudyante.

Sa plenary deliberations ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) noong Miyerkules, binanggit ni Garin na isa sa mga pangunahing problema ng mga estudyante ay ang mataas na renta ng mga dormitoryo.

“Ang isang pinaka-challenging na gastusin ng isang estudyante ay ‘yung boarding house, ‘yung dormitory, especially so that this is mostly provided by the private sector and hindi nakokontrol ‘yung presyo, ‘yung bayarin,” aniya.

Makabubuti aniya kung ang mga POGO hub na nadiskubre ay makuha ng gobyerno at gawing extension campuses at dormitoryo para sa mga estudyante.

“At the appropriate time, Madam Speaker, it’s not applicable all over the country, but for Region 3, napakaganda talaga na ‘yung mga POGO hub, na mga scam hub na na-discover ay makuha ng gobyerno at gawing extension campuses as well as dormitories ng ating karapat-dapat na estudyante,” saad pa niya.

Sumang-ayon naman si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa mungkahi ni Garin.

Binanggit rin nila ang isang pag-aaral na nagpapakita na ang kakulangan sa pinansyal na suporta ang pangunahing problema ng mga estudyante.

Si Garin ang nag-sponsor ng budget ng Commission on Higher Education (CHEd) sa ilalim ng 2025 General Appropriatiopns Bill (GAB).

“It is an investment in the future of our nation, and every peso allocated to higher education yields a return in the form of educated, skilled, and empowered citizens who will contribute to the country’s economic growth and social troubles,” pahayag niya.

Target ng mababang kapulungan na maipasa ang 2025 GAB sa ikatlo at panghuling pagbasa sa Setyembre 25.

Continue Reading