Connect with us

Aklan News

Top 1 most wanted sa kasong rape sa Madalag, arestado

Published

on

NAARESTO ng mga otoridad sa bayan ng Madalag ang lalaking top 1 most wanted person sa provincial at municipal level nitong Setyembre 18.

Ang suspek ay  isang 53 anyos na magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Nahaharap ang suspek sa kasong statutory rape.

Ayon sa Madalag PNP, nangyari ang krimen noong Pebrero at ngayon lamang lumabas ang kanyang warrant of arrest.

Napag-alaman na ang biktima ay ang kanyang bunsong anak na babae na noo’y 13 anyos pa lamang.

Wala namang piyansang itinakda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ito ng Madalag PNP at nakatakdang iharap sa kaukulang korte.