Connect with us

Aklan News

Mga menor de edad na nagransak sa Numancia Public Market, nahuling nagnanakaw sa palengke sa Makato

Published

on

Nahuli sa akto ang limang menor de edad na nagnanakaw sa ilang puwesto sa Makato Public Market.

Nagpahabol pa umano ang mga ito sa mga kapulisan at tumulong naman ang mga nakatambay sa lugar para tuluyan silang madakip.

Samantala sa tulong ng CCTV ay nakumpirmang sila rin ang nanloob sa mga pwesto sa Numancia Public Market.

Napag-alaman na pawang mga residente ng bayan ng Numancia ang nasabing mga menor de edad.

Sa ngayon ay ini-refer na ng kaso sa Numancia Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.