Connect with us

Aklan News

2 babaeng menor de edad, tinangka raw pasakayin sa puting van sa Pagsanjan, Banga

Published

on

Nagsumbong ang dalawang babaeng menor de edad na tinangka umanong pasakayin sa isang puting van nitong Miyerkules sa Pagsanjan, Banga.

Sa panayam ng Radyo Todo sa nanay ng isa sa mga bata, iniwan niya umano sa may waiting shed ang mga ito para bumili sa kalapit na tindahan.

Doon na umano tumigil ang puting van sa kinaroroonan ng mga bata at inalok ang mga ito na sumakay.

Tumanggi umano ang mga bata kaya dumukot pa ng candy ang lalaki para sa ibigay sa kanila pero tinanggihan rin nila ito.

Saad pa ng mga ito, may bumukas ng bintana ng van kaya nakita nila sa loob ang dalawang bata na may tape sa bibig at humihingi ng tulong.

Sinubukan pa raw ng isa na lumabas pero napansin ito ng lalaki at tinali ang kanyang paa.

Nakaramdam ng matinding takot ang dalawa kaya kumaripas ang mga ito ng takbo hanggang sa makalayo sa lugar.

Agad namang ipinablotter ng ginang ang insidente sa barangay para maimbestigahan ng nangyari.

Nakatakdang sumailalim sa counselling ang mga bata dahil sa takot na naranasan ng mga ito.

Nangangalap na rin ng kopya ng CCTV ang mga kapulisan kaugnay sa nangyari.