Connect with us

Aklan News

Rider na lasing sugatan matapos sumalpok sa nakaparadang tricycle

Published

on

Image: MDRRMO Kalibo

Sugatang isinugod sa ospital ang isang rider matapos itong sumalpok sa nakaparadang tricycle sa Brgy. Estancia, Kalibo dakong alas-6:45 ng gabi nitong Sabado.

Napag-alaman na 48-anyos ang naturang rider at residente ng Brgy. Bacan, Banga at nasa impluwesiya ng nakalalasing na alak.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa Kalibo ang rider sakay ng kanyang motorsiklo at pauwi na sana ng Banga.

Sinasabing, nang dahil sa kalasingan ay bigla itong sumalpok sa likurang bahagi ng nakaparadang tricycle sa lugar.

Dahil sa aksidente, nagtamo ito ng gasgas sa mukha at sugat sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.