Connect with us

Aklan News

Motorsiklo, sumalpok sa pa-uturn na SUV; driver at 2 angkas ng motor, sugatan

Published

on

Photo Courtesy: Jay Revestir

Sugatang isinugod sa ospital ang tatlong sakay ng motorsiklo matapos itong sumalpok sa nag-uturn na SUV sa Brgy. Laguinbanwa West, Numancia dakong alas-12:10 kaninang madaling araw.

Batay sa imbestigasyon ng Numancia PNP, mula umano sa direksyon ng  Kalibo papuntang Numancia ang motorsiklo.

Sinasabing, may kabilisan umano ang takbo ng motor nang mapadaan sa lugar kaya’t hindi nito napansin ang pag-uturn ng SUV dahilan ng pagkabundol nito.

Dahil sa aksidente, sumemplang ang motorsiklo at nagtamo ng mga sugat sa katawan ang driver gayundin ang dalawang angkas nito na agad isinugod sa ospital ng MDRRMO Numancia.

Napag-alaman na nasa impluwesiya ng nakalalasing na alak ang driver ng motor ng mangyari ang aksidente.

Sa ngayon ay parehong impound ang dalawang sasakyan sa Numancia Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.