Connect with us

Aklan News

Motoristang lango sa alak, sugatan matapos maaksidente sa Pook, Kalibo

Published

on

SUGATAN ang isang lalaking motorista matapos na sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa Pook, Kalibo nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat, galing pa sa direksyon ng New Washington at patungo sana ng Poblacion, Kalibo ang motorista nang mangyari ang aksidente.

Lumabas naman sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng nakakalasing na alak ang lalaki.

Agad namang nirespondehan ng BFP Kalibo ang naturang aksidente at binigyan ng paunang lunas ang biktima.