Connect with us

Aklan News

Lalaking pipi at babaeng mentally challenged, naaktuhan ng isang ginang na nagtatalik sa sementeryo

Published

on

Nahuli sa akto ng isang ginang ang isang lalaking pipi at babaeng mentally challenged na nagtatalik sa loob ng Kalibo Municipal Cemetery kaninang umaga.

Ayon sa 75-anyos na ginang na residente ng Poblacion, Kalibo, magsisindi sana siya ng kandila sa puntod ng kaniyang mga kaanak.

Pero pagdating sa sementeryo, dito na niya nakita ang dalawa na nagtatalik at nakapatong sa nitso ng isa sa kaniyang kaanak.

Agad na umalis ang ginang para tumawag ng pulis ngunit nagpatuloy parin sa kanilang ginagawa ang dalawa.

Pagdating ng mga pulis, pinagsabihan ang mga ito at pinaalis.

Napag-alaman na caretaker sa sementeryo ang lalaking pipi at ang babaeng mentally challenged naman ay palaging nakatambay sa sementeryo.