Connect with us

Aklan News

Lasing na driver ng topdown, nawalan ng malay matapos sumalpok sa pader

Published

on

PHOTO: MDRRMO Buruanga

SUGATAN at nawalan ng malay ang driver ng isang top down na sumalpok sa pader at nahulog sa kanal sa Alegria, Buruanga nitong Linggo ng hapon, Setyembre 23.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay isang 46-anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Bryan Sualog, head ng MDRRMO Buruanga, papunta umano ng Balusbus, Buruanga ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing nasa impluwensya ng nakalalasing na alak ang driver kaya nawalan ito ng kontrol sa minamanehong top down at bumangga sa pader.

Agad namang nirespondehan ng MDRRMO Buruanga ang biktima at dinala sa Aklan Provincial Hospital dahil sa mga tinamo nitong sugat.