Connect with us

Aklan News

2 lalaking bisita sa birthday party, nangursunada ng kapwa bisita; mga suspek kinasuhan

Published

on

Kinasuhan ng slight physical injury ang dalawang lalaking bisita sa isang birthday party sa Sitio Baybay, Brgy. Polo, New Washington matapos na mangursunada at manuntok ng 2 kapwa nila bisita nitong Linggo.

Batay sa imbestigasyon ng New Washington Pnp, inimbitahan umano ng asawa ng birthday celebrant ang 37-anyos at 33-anyos na mga suspek.

Sinasabing, nakursunadahan ng mga ito ang dalawang bisita na edad- 19 at 33-anyos na taga Brgy. Pinamuk-an.

Nagkainitan umano ang dalawang grupo at pinagtulungang gulpihin ng dalawang suspek ang mga biktima.

Dahil dito, nagtamo ng mga galos sa ulo at pananakit ng katawan ang mga biktima na agad dinala sa ospital ngunit tumanggi nang magpa-confine.

Samantala, agad namang naaresto ang mga suspek at inaharap na sa korte dalawa para sa kasong Slight Physical Injury.