Connect with us

Aklan News

Tricycle driver, tinakot ng nagkunwaring bagong branch manager ng dating sinanglaan ng motor

Published

on

Takot at kaba ang naramdaman ng isang tricycle driver matapos na takutin at pagbantaan ng umano’y nagpakilalang bagong branch manager ng isang financing company na dati nitong sinanglaan ng motor.

Napag-alaman na may balanse pa umanong hindi nababayaran rito ang 52-anyos na tricycle driver na residente ng Brgy. Estancia, Kalibo.

Batay sa report, nito umanong Sabado ng gabi ay tumawag sa biktima ang isang lalaki na kilala nito bilang collector ng naturang kompanya.

Ngunit sa pagtawag nito ay sinasabing siya na ang bagong branch manager tsaka pinagbantaan ang biktima na ibalik sa kanya ang motor at pinagsabihan pa ng mga masasamang salita.

Samantala, dahil sa takot ay tumungo kaninang umaga sa opisina ng kompanya ang tricycle driver para magbayad.

Doon nito nadiskubre na hindi na pala roon nagtatrabaho ang lalaki at tinanggal na itodahil sa iba’t-ibang kaso rin sa kompanya.

Minabuti nalang ng biktima na iparecord ang insidente sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.