Connect with us

Aklan News

Menor de edad, nanloob sa isang tindahan sa Kalibo; Kawatan, naaktuhan ng may-ari na nasa loob na ng kuwarto

Published

on

Nakayukong naaktuhan ng isang ginang ang lalaking menor de edad sa loob mismo ng kwarto matapos nitong looban ang kanilang tindahan sa bahagi ng Pastrana Ubos, Brgy. Poblacion, Kalibo.

Kwento ng ginang na may-ari ng tindahan, dakong alas-4:45 ngayong hapon ay tumungo ito sa kaniyang tindahan kung saan napansin nitong wala na ang kaniyang benta na aabot sa ₱200.

Samantala, nagdesisyon naman ito na pumasok sa kwarto ng kaniyang anak na nasa likuran lang ng nasabing tindahan.

Doon nito nakita ang 14-anyos na menor de edad na umano’y nakayuko pa para magtago.

Agad itong hinawakan ng ginang at sumigaw ng saklolo sa mga kapitbahay.

Tumungo naman agad ang mga kalapit nito para siya ay tulongan at pansamantalang bantayan ang kawatan para hindi na makatakas tsaka dinala rin sa Kalibo Municipal Police Station.

Inerefer naman ang kaso sa WCPD kung saan ipinatawag ang kaniyang mga magulang para sa karampatang disposisyon.

Napag-alaman na ito na ang ikaapat na beses nang panloloob ng naturang CICL sa nasabing tindahan.