Connect with us

Aklan News

Drayber ng motor at kotse na sangkot sa aksidente sa Mabini Street, Kalibo nagkasundo matapos malamang magkatrabaho

Published

on

Nagkasundo na ang parehong drayber ng motor at kotse matapos na masangkot sa aksidente kagabi sa Mabini Street, Poblacion, Kalibo.

Ayon sa mga pulis nang magkita umano dalawang driver ay nalaman nitong magkatrabaho lamang sila kaya nagkasundo na lamang na iparekord ang nangyari.

Matatandaang nangyari ang aksidente pasado alas-7 kagabi sa harap ng Aklan Provincial Hospital.

Ayon sa ulat, magkasunod na tinatahak ng dalawa ang daan kung saan pgdating sa nasabing lugar ay huminto ang kotse na minamaneho ng 40-anyos ngunit hindi ito napansin ng motorista at nabundol nito ang likurang bahagi ng sasakyan.

Dahil dito, nabasag ang side mirror ng motor at nagasgasan naman ang likurang bahagi ng kotse.

Napag-alaman na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang motorista ng mangyari ang aksidente.