Connect with us

Aklan News

VG Quimpo, kumpirmadong tatakbo bilang board member sa unang distrito ng Aklan

Published

on

KINUMPIRMA ni Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo na tatakbo siya bilang board member sa unang distrito ng Aklan sa darating na 2025 midterm elections.

Aniya, naideklara na niya ito sa ilang mga okasyon na kanyang dinaluhan.

“Magapadayon ako sa pagserbisyo sa probinsiya ag pumueoyong Akeanon paagi man gihapon sa Sangguniang Panlalawigan,”wika ng bise gobernador.

Naniniwala si Quimpo, na ang kanyang karanasan ay makakatulong pa rin sa pag-unlad ng Aklan.