Connect with us

Aklan News

SUV sinalpok ng tricycle sa Poblacion, Kalibo

Published

on

YUPI ang pintuan sa kanang likuran na bahagi ng isang SUV matapos na masalpok ng isang traysikel sa L. Barrios corner J Magno Street, Poblacion, Kalibo pasado alas-6:30 nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang driver ng SUV na si Rainer Jan Retonio, 40-anyos na residente ng New Buswang, Kalibo habang ang driver naman ng traysikel ay kinilalang si  Juan Fang, 62-anyos na residente ng Pastrana Street, Poblacion, Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo sa driver ng SUV, nag-menor pa umano sila sa intersection ngunit nang dumiretso ang sasakyan nito ay dumiretso rin si Fang kaya sumalpok ito sa kanilang SUV.

Masuwerte namang walang nasugatan sa nangyaring aksidente.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ag imbestigasyon ng Kalibo PNP traffic section sa nangyari.