Connect with us

Aklan News

Empleyado ng meatshop at kasabwat na nagtangkang magnakaw ng isang sakong karne ng baboy para sa birthday ng anak, nahuli

Published

on

Hinuli ng mga otoridad ang isang lalaking empleyado ng meatshop at ang kasabwat nito matapos magtangkang magnakaw ng isang sakong karne ng baboy na plano nitong ihanda sa birthday ng kanyang anak.

Nangyari ang insidente pasado alas-4 kaninang madaling araw sa Toting Reyes Street, Poblacion, Kalibo.

Kinilala ang mga suspek na si Reynold Teves, 26-anyos na tubong Cabancalan City, Negros at kaniyang ka-boardmate na kasabwat na si Victor Oadan na residente ng Sapian, Capiz.

Ayon sa ulat, unang namonitor ng manager ng meatshop sa CCTV na may isang sako na naiwan sa labas ng kanilang meatshop na hindi kinuha ng garbage collector.

Agad namang pinuntahan ng manager ang kanilang shop at dito napag-alaman na puro karne pala ng baboy ang laman nito.

Sa pagresponde ng mga pulis, nahuli ang dalawa na nakasakay sa kanilang getaway vehicle.

Ayon kay Teves, panghanda niya sana ito sa kaarawan ng kaniyang anak.

Kasong Qualified Theft naman ang isasampang kaso laban sa mga suspek.