Connect with us

Aklan News

Homemade shotgun, kusang isinuko sa mga otoridad sa Libacao

Published

on

Kusang isinuko ng isang concerned citizen ang homemade gauge na baril sa mga miyembro ng 1st Aklan PMFC.

Napag-alaman na ito ay isang  homemade 12 gauge shotgun long barrel na walang mga bala.

Pansmantalang dinala sa Libacao Municipal Police Station ang naturang armas para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, agad rin itong itinurn-over sa Supply PNCO ng 1st Aklan PMFC para sa karampatang disposisyon.

Kaugnay nito, patuloy pa ring isinusulong  ng mga otoridad ang  kampanya  kontra sa paggamit ng mga illegal na armas.