Connect with us

Aklan News

Tindahan, nakaparadang big bike at 2 pang motor, nasunog sa Numancia

Published

on

Nilamon ng apoy ang isang tindahan at nadamay pa ang tatlong mga motorsiklo dahil sa sumiklab na sunog dakong alas-6:20 ng gabi nitong Miyerkules sa Sitio Balili, Brgy. Bubog, Numancia.

Napag-alaman na pagmamayari ito nina Mark Jan Testa, 36-anyos at ng kaniyang asawa.

Kwento ni Testa, dakong alas-5:00 ng hapon ay umalis sila ng kaniyang pamilya saka ito nakatanggap ng tawag na nasusunog na ang kanilang tindahan.

Pagkauwi, doon nila nadatnan na wala nang natira sa kanilang mga paninda.

Natupok rin ang mga nakaparadang motorsiklo na CBR 150, 155 TMX Honda at Honda dream 100 kabilang ang mga materyales ng mio 125, bisekleta at isang tricycle.

Sa panayam naman Radyo Todo kay FO2 Christian John Calzado ng Numancia BFP, nasa first alarm aniya ang nasabing sunog at aabot sa P75,000 ang inisyal na iniwang danyos ng naturang insidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.