Connect with us

Aklan News

18-anyos na binatilyo, umano’y binugbog ng apat na kalalakihan, naospital

Published

on

Naka-confine ngayon sa ospital ang isang binatilyo na umano’y pinagbubugbog ng apat na kalalakihan sa Poblacion, Kalibo nitong Huwebes ng madaling araw.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay isang 18-anyos na residente ng Aliputos, Numancia.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Kalibo PNP na pumunta sa isang birthday party sa Aliputos ang biktima at pagdating ng alas-10 ng gabi, nagdesisyon ito at ang kaniyang 28-anyos na kaibigan na pumunta sa bar sa Kalibo.

Salaysay ng kaibigan ng biktima, tumanggi itong sumama sa kanya nang inaya niya itong umuwi.

Kaya iniwan niya ito at dumiretso sa bahay ng biktima para ipagbigay-alam sa kanila na ayaw nitong umuwi.

Kaugnay nito, habang naglalakad umano ang binatilyo mula sa Jaime Cardinal Sin Street patungong Roxas Avenue Street ay dito na nangyari ang pambubugbog sa kaniya ng apat na kalalakihan.

Nakatakbo pa umano siya hanggang sa Bulwang, Numancia at nakahingi ng tulong sa kanyang tiyahin saka dinala sa ospital dahil sa mga tinamo nitong pinsala sa katawan.

Desidido naman na magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa mga suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.