Connect with us

Aklan News

SP Aklan, hindi nagpabaya sa Kalibo International Airport – VG Quimpo

Published

on

File Photo: DK Paderes/Radyo Todo

“Owa man gid nagpabaya ro atong Sangguniang Panlalawigan.”

Ito ang pahayag ni Aklan Vice Governor Atty. Reynaldo Quimpo hinggil sa paghina ng flights sa Kalibo International Airport at paglipat ng maraming international flights sa Caticlan airport.

Kasunod ito ng hinaing ng mga empleyado, negosyante at iba pa na lubos na naapektuhan ng paghina ng nasabing paliparan.

Ani Quimpo, “In fact, way back 2022 kat nakabati kita nga pagatugutan o may matugpa nga international flights idto sa Godofredo Ramos Airport idto sa Caticlan hay nagpa-abot eagi kita it pagkahawag kato ag kat nakumpirma naton nga may plano gid man o may naka-umpisa eon ngani kato ag may ginatawag sanda ngaron nga maiden flight from Taipei.”

“Nagproponer ag nagpasa it sangka resolution ro aton nga Sangguniang Panlalawigan. This was wayback September 2022, if I’m not mistaken, SP resolution 2022- 289 nga naga oponer sa pagbukas it Caticlan Airport to international flights dahil ro aton kato nga isaea nga rason nga aton nga ginpa-abot hay ro dagsa it tourist sa Boracay island should benefit the entire province of Aklan ag should compliment the long term development plans ku aton nga provincial government sa overall development ku aton nga ekonomiya,” dagdag pa nito.

Kaya dapat aniyang hindi mawala ang international flights sa Kalibo International Airport.

Giit pa ng bise-gobernador, ito ang naging panindigan ng Sangguniang Panlalawigan at ipina-abot na nila ito sa lahat ng kaukulang ahensiya gaya ng DOTR, CAAB, CAAP at kahit sa private operator ng Caticlan airport.

Dagdag pa ng bise gobernador, “nasundan don ku following year it isaea pa gid nga resolution requesting ro aton nga airlines companies with domestic direct flights to and from the province of Aklan to increase e the number or frequency of flights sa KIA dahil ro importante hay ro development ku atong probinsiya it Aklan through our tourism, as I said, the entire province of Aklan.”

Hindi dapat aniya maapektuhan ang ekonomiya ng probinsiya lalo na sa capital town [Kalibo] ng Aklan.

Maliban dito, sa parehong taon din ay nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang resolusyon kung saan hinimok nito ang mga aviation agencies na i-address ang safety concerns o safety challenges sa Caticlan airport lalo na kung papayagan nila ang mga international flights.

Pinuna din ni Quimpo ang mga problema ng caticlan airport gaya ng runway area nito na hindi nakasunod sa international standard, maliit na departure at arrival area at marami pang iba.

Dahil dito, nagtataka ang opisyal kung bakit hinahayaan lamang ito ng mga national agencies.

Kaya naman muling nagpasa ng resolution ang Sangguniang Panlalawigan na hinihimok ang mga concern agencies lalo na ang private operator ng Caticlan Airport na sumunod sa kanilang contractual commitment at huwag lamang maglatag ng mga pansamantalang solusyon kundi magkaroon ng long term solution.

Sa maikling salita, iginiit ng bise-gobernador na ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ay hindi nagpabaya at gumawa kaagad ng aksyon para sa nasabing problema.

Nilinaw din nito na ang mga paliparan sa Aklan ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga national agencies at ang tanging magagawa lamang ng Sangguniang Panlalawigan ay ang ipaabot sa mga ahensiyang ito na aksyunan ang mga nakikita nating problema sa ating paliparan.