Connect with us

National News

Mga empleyado ng LTO na nakikipagsabwatan sa mga fixers, binalaan ni Assec Mendoza

Published

on

PHOTO: LTO/Facebook

Nagbabala si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa lahat ng empleyado ng ahensya na nakikipagsabwatan sa mga fixers.

Kasunod ito ng pag-isyu ng warning ni Mendoza sa tatlong LTO personnel kabilang ang isang head ng District Office na iniimbestigahan na dahil sa kanilang umano’y pagkakasangkot sa iligal na transaksyon na kinasasangkutan ng mga fixer.

“On the very first day of my assumption as LTO Chief, I made it clear that I will be running after all the fixers and their cohorts in our agency. We will not allow these people to taint the name of our agency for their money-making schemes,”ani Assec Mendoza.

Nitong Martes, Setyembre 24, dalawang hiwalay na operasyon ang ginawa ng LTO Central Office sa Quezon City at Bulacan kaugnay sa nakumpirmang intelligence reports sa pakikipagsabwtaan ng mga empleyado at fixers.

Tugon umano ito ng ahensya sa mga natatanggap na sumbong kaugnay sa mga fixers na nag-aalok ng serbisyo sa mga motorista.

“This should send a strong message that we will not allow this kind of illegal activity, nor tolerate any of our personnel to connive with these fixers,” saad pa ni Mendoza.