Connect with us

Aklan News

Pamilya ng Ginang na nabundol-patay ng motor sa New Washington, hindi na magsasampa ng kaso

Published

on

Nauwi sa settlement ang naganap na aksidente nitong gabi ng Huwebes na ikinasawi ng isang ginang sa Brgy. Tambak, New Washington.

Kung matatandaan, nabundol ng isang 19-anyos na motorista ang patawid na ginang sa kalsada kung saan nagtamo ito ng mga sugat at bali sa katawan naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ikinustodiya naman agad kagabi ang 19-anyos na motorista sa New Washington Municipal Police Station habang hinihintay ang desisyon ng pamilya ng biktima.

Sa panayam naman ng Radyo Todo sa New Washington PNP, ngayong hapon ay nagharap na ang magkabilang-panig at nagdesisyon ang pamilya ng biktima na hindi na sila magsasampa ng kaso.

Dahil sa kanilang pag-areglo, nakatakda rin ngayong i-release ang driver.