Connect with us

Aklan News

Binatilyo pinagtulungang bugbugin ng mga miyembro ng grupong TBS sa Pook, Kalibo

Published

on

Bugbog sarado ang isang binatilyo matapos pagtulungang bugbugin ng nasa sampung kalalakihan na umano’y miyembro ng grupong True Brown style (TBS) sa Pook Jetty Port pasado ala-1:30 kaninang madaling araw.

Ang biktima ay isang 18-anyos na residente ng Toting Reyes Street, Poblacion, Kalibo.

Ayon sa biktima, biglang dumating ang sampung kalalakihan na miyembro ng TBS na sakay ng motor habang nag-iinuman sila ng kanyang mga kaibigan sa lugar.

Bigla umanong bumaba ang isa sa mga sakay ng motor at lumapit sa biktima at nagsabing, “Ano inyong problema ay?”

Bumunot pa umano ito ng armas at tinutukan ang biktima.

Dito na pinagbubugbog ng mga kasamahan nito ang biktima dahilan na magtamo ito ng mga pinsala sa katawan.

Agad namang tumakas ang mga kalalakihan matapos ang ginawang pambubugbog.

Samantala, ini-refer na ng Kalibo PNP sa Barangay Justice System ng Pook, Kalibo ang insidente.