Connect with us

Aklan News

Barracks sa Boracay, nasunog; P150K, naitalang danyos

Published

on

AABOT sa P150,000 ang naitalang danyos matapos masunog ang isang barracks sa Sitio Sinagpa, Brgy. Balabag, Malay dakong alas-4:30 ng hapon nitong Sabado.

Sa panayam kay FO1 Felixberto Candari ng Boracay BFP, pagmamay-ari umano ang naturang barracks na gawa sa light materials ng mga construction workers ng Segnor Construction.

Sinasabing, walang tao sa barracks ng mangyari ang sunog at ang mga residente lamang malapit sa lugar ang nakapansin na nilalamon na ito ng apoy.

Mabilis namang rumesponde ang mga bombero para apulahin ang sunog kung saan dalawang fire truck ang kanilang ginamit at naideklarang fire out dakong alas-5:10 rin ng hapon.

Wala namang iba pang nadamay o nasugatan sa nangyari.

Samantala, nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang pinagmulan ng apoy.