Connect with us

Aklan News

Ginang, nabiktima ng mandurukot sa isang establishyemento sa Kalibo

Published

on

Nahuli-cam ang ginawang pagdukot ng hindi pa nakikilalang kawatan sa wallet ng isang ginang na nakalagay sa loob ng bag ng biktima sa isang establisyemento sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo sa biktima, abala umano siya sa pagpili ng mga bibilhin kaya’t huli na niya ng mapansin na wala na ang kanyang wallet.

Kaagad niyang ipa-review ang CCTV sa naturang establisyemento at doon nila nakita na may isang babaeng naka-facemask ang lumapit sa kanya na kunwari’y namimili rin ng mga tsinelas.

Makalipas ang ilang segundo ay dumaan ito sa kanyang likuran at doon na nito pasimpleng dinukot ang wallet mula sa bag.

Dahil dito, minabuti na lamang ng biktima na iparekord sa Kalibo Municipal Police Station ang insidente kung saan patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Samantala, panawagan naman ng biktima na sana’y ibalik nalang kahit ang kaniyang mga IDs dahil ito ay mahalaga sa kanya.