Connect with us

Aklan News

Lalaking nasa gilid ng daan, nabundol ng motorsiklo; motorista, nawalan ng malay

Published

on

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang lalaki matapos itong mabundol ng isang motorista dakong alas-8:30 ng gabi nitong Sabado sa Diversion Road na sakop ng Makato.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, iihi lang sana ang isang lalaki na nasa gilid ng kalsada nang bigla itong mabundol ng motorsiklo.

Sinasabing, umapaw ng linya ang motorista na mula sa direksyon ng Kalibo dahilan para maabot nito ang lalaki.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng ilang sugat sa katawan ang lalaking nabundol na agad namang nilapatan ng paunang-lunas ng MDRRMO Makato.

Samantala, dahil sa pagkatumba ay nawalan naman ng malay ang naturang motorista kaya’t dinala ito sa ospital.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring aksidente.