Connect with us

Aklan News

Mga botanteng nais mag-transfer ng rehistro sa Kalibo, humabol sa last day ng voter’s registration

Published

on

Karamihan sa mga humabol at pumila para sa huling araw ng voter’s registration nitong September 30 ay ang mga botanteng nais mag-transfer ng kanilang rehistro sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa Comelec-Kalibo, nagsimula ang registration dakong alas-8:00 ng umaga kung saan mayroon na umanong iilang pumila bago pa man magsimula.

Ang ilan sa mga nag-transfer ng kanilang rehistro ay mula sa ibang barangay, mayroon ding mula sa ibang bayan habang ang iba naman ay mula pang Luzon na karamihan sa kanilang dahilan ay nakapangasawa rito sa Kalibo.

Nakapagtala ang Comelec-Kalibo ng 208 persons as of 3:00pm na matagumpay na nakapagparehistro.

Sa panayam naman sa ilang mga last minute registrant, pinili umano nilang magpahuli para kunti nalang ang pila.

Samantala, mayroon namang iba na kakauwi lang mula sa ibang lugar na nais ring makapagboto para umano magampanan ang karapatan bilang mamayang Pilipino at mapili ang karapatdapat na maihalal na bayan ng Kalibo.