Connect with us

Aklan News

Palikong motor, nasalpok ng bus sa Buruanga, driver at angkas sugatan

Published

on

Sugatan ang kapwa driver at angkas ng isang motorsiklo matapos silang masalpok ng isang Ceres bus sa Brgy. Bagumbayan, Buruanga nitong umaga ng Martes.

Kinilala ang driver ng motor na si Bonifacio Alvarez, 77- anyos angkas ang kapatid nitong si Celedonio Alvarez, 64-anyos na parehong mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Buruanga PNP, papunta umanong Antique ang Ceres bus ngunit nang mapadaan sa nasabing lugar ay sakto naman na paliko ang naturang motorsiklo rason para mabangga ito.

Dahil sa aksidente, parehong nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawang sakay ng motor habang ligtas naman ang mga sakay ng bus.

Samantala, dinala naman agad ng MDRRMO Buruangga ang mga biktima sa Aklan Provincial Hospital para sa kaukulang pagpapagamot.