Connect with us

Aklan News

Ina ng estudyanteng nabaril sa loob ng eskwelahan sa Numancia, di makapaniwla sa sinapit ng anak

Published

on

Hindi parin makapaniwala ang ina ng 19-anyos na estudyante na nabaril ng umano’y kapwa rin nito estudyante sa Numancia Integrated School kaninang umaga.

Sa panayam ng Radyo Todo sa ina ng biktima na si Joan Tagua, sinabi nito na bakit ngayon pa ito nangyari kung saan nagsipag na ang anak na manumbalik sa pag-aaral.

Napag-alaman na kasalukuyang nag-aaral bilang ALS student ang biktimang si Mark Delacruz sa naturang eskwelahan kung saan rin ito nabaril.

Binanggit ni Tagua na may mga kabarkada ang anak na minsan naring nasangkot sa gulo.

Hinala nito, kagagawan ang krimen ng mga nakaaway ng mga barkada ng kanyang anak nitong nakaraang Biyernes.

Samantala, walang ibang hangad ngayon ang ina kundi ang mapabuti ang lagay ng kaniyang anak na nagpapagamot ngayon sa Aklan Provincial Hospital.