Connect with us

Aklan News

Estudyanteng pinagbabaril ng 16-anyos na binatilyo, nasa ICU pa rin

Published

on

Patuloy na ginagamot sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang 19-anyos na estudyante na pinagbabaril sa isang paaralan sa Poblacion, Numancia nitong Martes.

Sa Panayam ng Radyo TODO kay PLt. Riza Padilla, Deputy COP ng Numancia PNP, kinumpirma nito na sumailalim sa operasyon ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa ICU.

Taliwas umano ito sa kumakalat na balita na patay na ang biktima.

Samantala, umabot naman sa mahigit 5 oras ang operasyon sa biktima dahil sa mga bala na tumama sa kaniyang katawan.

Nasa kustodiya naman ngayon ng Numancia PNP ang 5 menor de edad, habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ng kaso.

Matatandaang nangyari ang insidente nitong Martes ng umaga sa Numancia Integrated School kung saan binaril ng isang 16-anyos na binatilyo ang kaniyang kapwa estudyante na kaniyang nakaalitan.