Connect with us

Aklan News

Nakaparadang pickup, nabangga ng topdown

Published

on

Nagtamo ng gasgas at yupi ang isang pickup matapos na aksidenteng mabangga ng isang topdown sa San Lorenzo Drive, Brgy. Andagao nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nakaparada umano ang pick up sa gilid ng kalsada nang aksidente itong mabangga ng isang topdown na minamaneho ng 48-anyos na residente ng Makato.

Dahil sa nangyari, mahabang gasgas sa gilid na bahagi ang tinamo ng pick up at mayroon din itong mga yupi.

Samantala dinala naman ang driver at ang kaniyang topdown sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.