Connect with us

International News

23 patay kabilang ang mga bata sa nasunog na bus sa Thailand

Published

on

Patay ang 23 indibidwal kasama ang ilang mga batang mag-aaral matapos masunog ang isang school bus sa Bangkok, Thailand.

Sinasabing sakay ng bus ang nasa 38 estudyante mula kindergarten hanggang junior high school at anim na mga guro na mula sa isang school trip.

Kinailangan pa ng DNA test para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay na di na makilala dahil sa pagkasunog.

Nagsimula umano ang apoy sa unahang bahagi ng bus. Sinubukan pa raw ng driver na kumuha ng fire extinguisher pero hindi nito naapula ang apoy kaya ito nag-panic at tumakas na kalaunan ay sumuko rin sa mga otoridad.

Iniimbestigahan na rin ng mga kapulisan kung sinunod ng kumpanya ng bus ang mga safety standards.