Connect with us

Aklan News

May-ari ng tindahan na ninakawan ng isang kawatan sa Kalibo, hindi na magsasampa ng kaso

Published

on

Hindi na magsasampa ng kaso ang may-ari ng tindahan na ninakawan ng isang kawatan sa bayan ng Kalibo nitong Miyerkules.

Matatandaang nangyari ang insidente, madaling araw nitong Oktubre 2, sa Sitio Baybay, Andagao, Kalibo.

Kinilala ang suspek na si alyas Jimboy, 35-anyos na residente rin ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, unang nilooban ng suspek ang tindahan nitong Oktubre 1 kung saan nakuha rito ang 1 ream ng sigarilyo at ilang bote ng beer.

Samantala sa kasunod na araw, Oktubre 2, napansin muli ng may-ari na marami na ring bawas ang kanilang mga de lata, sabon, kape, asukal, iba pang groceries at maging ang mga shavers ay wala na rin.

Napag-alaman na binibigay pala ng suspek sa mga kapitbahay ang kaniyang mga ninakaw.

Nagkasundo naman ang kawatan at may-ari ng tindahan na babayaran na lang ng suspek ang lahat ng ninakaw nito.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya pa ng Kalibo PNP ang suspek at nakatakdang pakawalan bukas dahil wala nang magsasampa ng kaso.