Connect with us

Aklan News

Lalaking nakainom, nabundol ng motorsiklo

Published

on

Gasgas sa braso ang tinamo ng isang lalaki matapos itong mabundol ng motorsiklo sa Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo dakong alas-10:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, patawid umano ang 29-anyos na lalaking nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak nang aksidente itong mabundol ng motorsiklo na minamaneho naman ng 23-anyos na lalaki.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng gasgas sa braso at pananakit pa sa katawan ang naturang biktima.

Wasak naman ang harapang bahagi at pati ang cover ng motor na agad dinala sa Kalibo Municipal Police Station kasama ang mga sangkot para sa karampatang disposisyon.