Connect with us

Aklan News

Cong. Ted Haresco, nag-file na ng kanyang COC para sa re-election bilang representative ng 2nd district ng Aklan

Published

on

NAG-FILE na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Congressman Teodorico “Ted” Haresco para sa muling pagkandidato bilang Aklan 2nd District Representative.

Kasabay nitong nag-file ng COC ang kanyang anak na si Jose Haresco na tatakbo bilang Board Member sa ikalawang distrito.

Sinamahan sila ng kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at mga tagasuporta sa pag-file ng COC sa tanggapan ng Comelec Provincial Office sa ASU-CIT campus.

Ayon kay Cong. Haresco, “Tuloy-tuloy ang tagumpay… tagumpay sa kabuhayan, tagumpay sa pang-ospital, tagumpay sa edukasyon, tagumpay sa kalusugan at imprastraktura.”

Asahan pa umano ang mas maraming proyekto at programa para sa mga Aklanon.

Ito na ang last term ni Haresco bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Aklan.