Connect with us

Aklan News

Former governor Joeben Miraflores, naghain ng kandidatura bilang kongresista sa 2nd district ng Aklan

Published

on

Pormal nang naghain ng kandidatura bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Aklan si former governor Joeben Miraflores sa huling araw ng filing of certificate of candidacy kahapon, Oktubre 8.

Marami ang nag-abang sa COMELEC kabilang ang ilang mga kapartido, kaibigan at kapamilya ng dating gobernador.

Pahayag ni Miraflores sa mga miyembro ng media pagkatapos ng pag-file nito ng COC, nakakalungkot at mabigat sa kanya ang hakbang na muling pagtakbo lalo na at makakalaban niya ang kanyang pinsan at dating kaalyadong si Congressman Ted Haresco.

“Nasubuan man ako, malisod ro akon ngara nga desisyon nga mag-file it candidacy sa 2nd district dahil sayod man kamo nga akon nga ingkampod hay maeapit man kakon ra, naging kaibahan man naton, habuligan man it Tibyog ag malisod man hay siyempre may pinagsamahan man,” saad nito.

Paliwanag ni Miraflores, nakita niya na hindi na posibleng magkaayos pa si Haresco at ang Tibyog kaya kinailangan niyang tumakbo para maproteksyunan ang mga kapartido bilang ama ng Tibyog.

Nagsimula aniya ang gusot sa pagitan nila nang ipasa ang BIDA Bill sa kongreso at ideklarang persona non grata ng Sangguniang Panlalawigan sina Cong. Luis Raymund “Lray” Villafuerte, Tsuyoshi Anthony Horibata, Miguel Luis Villafuerte, at Nicolas Enciso lll na ikinagalit ni Haresco.

Dumagdag pa dito ang panukalang West Aklan Special Economic Zone Act (WASEZA) na inalmahan rin ng lokal na pamahalaan at ang pamimigay ni Haresco ng ayuda sa mga kalaban ng mga mayor ng Tibyog.

“Kat maeapit lang ro eleksyon hay nakita naton nga ro mga ayuda ni Cong Ted hay igto eota naga adto sa mga kontra it aton nga mga mayor…Ro akon kato nga reklamo hay haman ro mga ayuda hay naga agto ta idto sa mga kontra nga mga mayors, especially Buruanga, ina sa Nabas, iya sa Makato, iya sa Numancia, ro mga opponents ta it aton nga Tibyog nga mga mayors, imaw ta ro mga ginatinaw-an it ayuda,” pahayag pa nito.

Ani Miraflores, hiniling niya kay Haresco na huwag ng lagyan ng katunggali ang mga kandidato ng Tibyog sa gobernador, congressman ng 1st district, vice governor at mga mayor.

Pero hindi ito natupad kaya nagdesisyon na itong muling bumalik sa pulitika kahit na nag-eenjoy na siya sa bakasyon.

Kung matatandaan, una nang inanunsyo ni Miraflores nitong nakaraang eleksyon ang kanyang pagretiro sa pulitika.