Connect with us

Aklan News

Bahay ng magsasaka, hinalughog ng mga otoridad; 1 baril at mga bala, narekober

Published

on

Hinalughog ng mga otoridad ang isang bahay sa Brgy. Aquino, Ibajay matapos na ipatupad  ang search warrant laban sa isang magsasaka nitong Miyerkules.

Kinilala ang subject person na si Dionesio Siñel, residente ng nasabing lugar.

Pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit ang naturang operasyon kung saan hinalungkat ang lahat ng gamit sa loob ng bahay maging ang kanilang imbakan ng palay.

Narekober sa loob mismo ng damitan  ni Señel sa kanyang kwarto ang isang calibre-45 na baril at isang magazine na may pitong mga bala.

Mariing itinanggi ng suspek na kaniya ang naturang armas na nakuha.

Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang suspek at ang armas para sa karampatang disposisyon.