Connect with us

Aklan News

Patawid na tricycle bumaliktad matapos mabangga ng truck na nawalan ng preno

Published

on

BUMALIKTAD sa gitna ng kalsada ang isang traysikel matapos na mabangga ng truck na nawalan ng preno sa kahabaan ng Osmeña Avenue, Estancia, Kalibo pasado alas-7:30 ng gabi.

Ayon sa drayber ng trysikel, patawid na umano siya patungong direksyon ng Kalibo nang aksidenteng mabundol ng truck.

Pahayag naman ng drayber ng truck, nawalan umano siya ng preno at nagka-engine break.

Ilang beses pa umanong bumusina ang drayber ng truck ngunit naabot parin nito ang likurang bahagi ng tricycle dahilan kaya bumaliktad ito sa gitna ng daan.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tricycle driver na agad nirespondehan ng MDRRMO Kalibo at dinala sa Aklan Provincial Hospital

Patuloy parin ang imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic Section sa nangyaring aksidente.