Connect with us

Aklan News

Insidente ng nakawan sa Kalibo, tututukan ng bagong upong OIC ng Kalibo PNP

Published

on

Tututukan ng bagong upong Office-in-Charge (OIC) ng Kalibo PNP na si PMAJ. Frensy Andrade ang sunod-sunod na insidente ng nakawan sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Andrade, sinabi nito na opisyal siyang umupo bilang OIC nitong Oktubre 10.

Balak umano niya na mag-deploy ng civilian troops sa gabi bukod sa mga pulis na nagpa-patrol para mas mamonitor ang mga liblib na lugar.

Bukod sa pagiging OIC ng Kalibo PNP, si Andrade rin ang head ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU).

Pinalitan niya si PLTCOL. Ricky Bontogon na inilipat naman sa Aklan Police Provincial Office.