Connect with us

Aklan News

3 suspek sa pananalisi sa delivery truck ng isang softdrinks company, nahuli sa checkpoint sa Ibajay

Published

on

NAARESTO ng mga otoridad ang 3 mga suspek na umano’y nanalisi sa isang delivery truck sa Madalag, Aklan nitong Miyerkules ng umaga.

Sa pamamagitan ng Dragnet Operation Checkpoint, tuluyang nahuli ang tatllo sa Tagbaya, Ibajay.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Lopez, 32-anyos; Ian Lister Lopez, 36-anyos at Richard Villanueva, 36-anyos na pawang mga residente ng Barangay Boulevard, Molo, Iloilo.

Sinasabing nagpanggap na nagbebenta ng mga powered tools ang tatlo.

Sa panayam naman ng Radyo Todo sa driver ng truck, nagkokontrata umano sa isang tindahan ang kaniyang pahinante at bumaba naman siya para tingnan ang stockroom ng tindahan na lalagyan ng kanilang nga i-dideliver na softdrinks.

Dito na kumuha ng pagkakataon ang 2 sa mga suspek na pasukin ang truck at kinuha ang lisensya, P2,000, at cellphone ng drayber na nakalagay sa isang bag habang ang isa nilang kasabwat ay sumunod sa pahinante para maging look out.

Pagbalik nila sa truck, dito na nila natuklasan na nawawala na ang cellphone at pera.

Agad nila itong inireport sa pulisya at natukoy naman ang mga salarin.

Sinubukan pang habulin ng mga pulis ang tricycle na sinakyan ng mga suspek hanggang sa Lapnag, Banga ngunit hindi na nila ito naabutan.

Kalaunan, nadakip ang mga ito sa Dragnet Operation Checkpoint sa Tagbaya, Ibajay at itinurn-over sa Madalag PNP.

Desidido namang magsampa ng kaso ang drayber at pahinante ng truck laban sa mga ito.