Connect with us

Aklan News

Referee, pinagbantaan at muntik suntikin ng isang basketball player na tinawagan ng foul

Published

on

Pinagbantaan at muntik nang masuntok ng isang basketball player ang isang referee sa Tinigaw Covered Court dakong alas-7:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Ayon sa complainant na 56-anyos, nasa ikaapat na kwarter na ng laro nang tawagan niya ng offensive foul ang inirereklamong si alyas “Hapon” na residente ng C. Laserna Street, Poblacion, Kalibo.

Nagalit si Hapon at agad na sinugod ang referee para suntukin pero maswerteng agad siyang napigilan.

Pero hindi pa umano nakuntento si Hapon at nagbitiw pa ng mga salitang “BAYNTE MIL MALANG ING KATAPAT, AG BALIKAN KA NAMUN IT DAYWANG TRAYSIKEL.”

Nagdulot ang mga katagang ito ng matinding takot sa biktima kaya minabuti nitong ipa-record sa pulisya ang insidente na ini-refer naman nila ang sa Barangay Justice System.