Connect with us

Aklan News

Ex-Gov. Miraflores, hindi na kakandidato kung mapapatunayang mayroon siyang pending na kaso

Published

on

“I have no pending case.”

Ito ang mariing sagot ni dating Governor Joeben Miraflores kasunod ng isyung isa sa mga dahilan niya sa muling pagtakbo sa pulitika ay dahil sa kanyang mga’pending cases.’

Aniya, hindi ito totoo at wala siyang kahit na anong pending na kaso.

Dahil dito. hinamon ng dating gobernador ang nagpapakalat ng ganitong isyu na magpresenta ng dokumento na may kaso siya.

Kapag napatunayan aniya na mayroong siyang pending na kaso ay hindi na siya tatakbo sa darating na 2025 elections.

“Sa makahambae kara o sa maka-produce it dokumento nga may kaso ako indi eon ako magdaeagan,” pahayag nito.